Ngayong araw, April 30, 2024, muling nag-asiste si Accountant for Barangay Affairs, Ms. Elsie Dulay, sa mga Barangay Treasurer sa pagprepara ng kani-kanilang financial reports at iba pang documentary requirement para sa Seal of Good Local Governance for Barangays (BSGLG).
Ang aktibidad ay isinagawa sa Balon Bayambang Events Center, bilang parte ng pagpapaigting ng lokal na pamahalaan sa mabuting pamamahala o good governance sa barangay level. (RSO/Accountant for Barangay Affairs)