ABTC ng RHU1, Nakapagtala ng 51 Bagong Kaso ng Animal Bite

Ang Animal Bite Treatment Center ng RHU 1 ay nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong kaso ng animal bite kahapon, ika-3 ng Abril.

Ongoing Cases: 69

New Cases: 51

IEC Participants: 51

Age range of new animal bite cases:

0-11 months—1

1-5 years———7

6-10 years ——7

11-19 years –––3

20-59 years———28

60 and above———5

TOTAL NEW CASES: 51

Total Cases = New Cases + Ongoing Cases

Total Cases = 51 + 69

Total Cases = 120

Dahil dito, muling nagpapaalala ang RHU ng ilang hakbang upang makaiwas sa animal bite na posibleng may dalang rabies, gayundin upang maging aware ang pet owner sa pagpapaturok ng kanilang mga alagang hayop.

1. Iwasang paglaruan ng 10 taong gulang pababa ang anumang hayop na posibleng may dalang rabies.

2. Magkaroon ng taunang bakuna at kung maaari ay nakalista ang araw kung kailan napabakunahan ang alagang hayop.

3. Hugasan ang parteng nakagat ng anumang hayop.

4. Kung nakagat, magpunta agad sa pinakamalapit na hospital. Ang Bayambang District Hospital (BDH) ay bukas araw-araw. Ang Rural Health Unit I at III naman ay bukas tuwing Martes at Biyernes.

Kung nakagat naman sa ulo at leeg, magtungo agad sa RHU I.

(nina Sharlene Joy G. Gonzales, Daryl M. Mangaliag/RSO; larawan: RHU I ABTC)