Ang Bayambang ay isa sa mga lima na pilot municipality/city na binigyan ng tulong pinansyal ng ABONO Partylist sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development noong December 1, 2023 sa Robert B. Estrella Memorial Stadium sa Rosales, Pangasinan.
Mayroong 266 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga miyembro ng 4Ps, rehistradong kakanin at fruit vendor, at sari-sari store owners ang nakatanggap ng P15,000 kada isa mula sa bayan ng Bayambang.
Dumating sa naturang payout ang kinatawan ng ABONO Partylist na si Rep. Robert Raymund M. Estrella upang iparating ang suporta sa proyektong ito, kasama sina Pangasinan Gov. Ramon Guico III, at mga DSWD official sa pangunguna ni Regional Director Marie Angela S. Gopalan.
Ipinaliwanag ni Rep. Estrella sa mga benepsiyaryo na ang naturang ayuda ay dapat gamiting kapital sa kanilang negosyo, at nagpayo sa ito ay kanilang pahalagahan.
Naroon naman si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at MSWD Officer Kimberly Basco, upang tanggapin ang naturang ayuda kasama ng mga benepisyaryo.
(by Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; Photos: MSWDO)