Ang Agriculture Office ay naghakot ng 973 bags ng tig-20 kilos na inbred rice seeds mula sa DA Regional Field Unit No. 1, San Fernando, La Union noong January 30, 2024
Ang bagong ayuda ay 19,460 kilos sa kabuuan, at tinatayang sapat para sa 486.5 ektarya ng sakahan.
Ang mga palay ay nakatakdang ipamahagi sa mga rice farmer na naapektuhan ng Bagyong ‘Egay’ noong nakaraang taon.