956 Bagong Benepisyaryo, Sumahod sa TUPAD Payout

Muling nagkaroon noong  May 8, 2024, ng isang payout para sa 956 benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Displaced Workers, gamit ang pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay inorganisa ng Public Employment Services Office sa pamumuno ni SLEO Gernalyn Santos kasama ang kanyang staff, at ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang may 593 miyembro ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI), 199 na magulang ng mga na-identify na child laborer, at 164 magsasaka. Sila ay naglinis ng sampung araw sa kani-kanilang barangay, at para rito ay nakatanggap ng tig-P4,350.

Layunin ng programang TUPAD na magbigay ng temporary o emergency employment sa mamamayan na walang hanapbuhay upang maging pandagdag sa kanilang gastusin sa pang-araw-araw. (ni Vernaliza M. Ferrer/ RSO; larawan ni: JMB)