May 950 na piraso ng onesies ang ipinamahagi ng iba’t ibang departamento ng LGU-Bayambang sa 77 na barangay bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
Ang proyektong ito ay naging posible sa tulong ng Eezy-on Babeez, isang US-based clothing company na pagmamay-ari ni Gng. Julieta Recometa, isang Filipino-American na nais magbahagi ng kanyang pagpapala.
Naging benepisyaryo ang mga sanggol na inilista ng mga barangay health worker na naaangkop na makatangap ng naturang mga kasuotan. (RSO; photos: LGU departments)