Muling nagkaroon ng isang payout activity para sa 934 na benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Displaced Workers, na pinondohan ng opisina ni Senator Bong Go.
Ang batch na ito ay kinabibilangan ng mga farmer, solo parent, at teen-age parent.
Ang programang TUPAD ay naglalayong magbigay ng emergency employment sa mga lubos na nangangailangan.
Ang payout ay inorganisa ng Public Employment Service Office sa pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment noong July 17, 2025, Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. (VMF/RSO; PESO)




