Noong February 19, matagumpay na naisagawa ang Bright Smiles Creative Toothbrushing Corner Contest bilang parte ng Oral Health Month Celebration 2026 para sa ating mga Child Development Centers, na layuning palakasin ang tamang pagsesepilyo at oral health habits ng ating mga kabataan.
Ang mga finalists ay mula sa Barangay Batangcaoa, Langiran, Amanperez, Bani, Bical Norte, Bical Sur, Zone V, Zone I, at M.H. Del Pilar.
Maingat na sinuri ng mga hurado na sina Dr. Mariz Cabuag, Dr. Zaida Alcantara, at Dr. Johara Yohanon ang bawat toothbrushing corner sa pamamagitan ng ocular visit at maikling panayam.
Ang mga mananalo ay makakakuha ng premyo na ₱5,000 para sa 1st place, ₱3,000 para sa 2nd Place, ₱2,000 para sa 3rd Place, at ₱500 bilang consolation prize para sa lahat ng non-placers.
Ang opisyal na anunsyo ng mga nanalo ay gaganapin sa February 25 sa OFC Awarding & Culminating Activity sa Balon Bayambang Events Center. (DFJ; DFJ)





