77 Barangays, Nagbayanihan para sa Kalinisan at Kaayusan

Noong September 16, sabay-sabay na sumali ang 77 barangays sa isang clean-up drive nationwide na tinatawag na Barangay at Kalinisan Day o BarKaDa ayon sa DILG Memorandum Circular No. 2023-133.

Gamit ang walis-tingting, pandakot, at mga sako bilang trash bag, sama-samang ginalugad ng mga taga-barangay ang mga maruruming dako ng barangay at tulung-tulong na nilinis ang mga ito, katulong ang mga government employees at NGOs.