Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na drug-cleared na ang 77 barangays ng Bayambang, bunga ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng LGU at ng PNP-Bayambang. Pinuri ng pamahalaang lokal ang mahusay na koordinasyon ng kapulisan at mga barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapatupad ng mga programa upang mapanatili ang drug-cleared status ng mga komunidad.


