May 750 na senior citizen ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Imee Marcos.
Ang ayuda ay nagkakahalaga ng tatlong milyong piso, at ipinamahagi sa mga piling senior citizen na di nakatatanggap ng social pension at hindi miyembro ng 4Ps.