Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 51st National Nutrition Month, nagsagawa ng isang outreach at feeding activity ang grupong Born to Serve o BTS para sa 75 undernourished na mga bata mula sa mga barangay ng Hermoza, Tatarac, Malioer, Carungay, Pangdel, Dusoc, Darawey, at Apalen.
Naging posible ang programa sa tulong ng isang sponsor na si Ms. Berna Terrado na nagkaloob ng mga pagkain para sa mga benepisyaryo sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Action Office.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan at nutrisyon ng mga batang nangangailangan, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng LGU-Bayambang ng mga programang nagtataguyod ng wastong nutrisyon at mas malusog na pamayanan. (RSO; BTS)






