700 Katao, Tumanggap ng Ayudang “AKAP” 

Isang profiling at payout activity ang isinagawa ng DSWD at MSWDO para sa AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), gamit ang pondo mula sa opisina ng ABONO Party-List, Congressman Robert Raymund Estrella, at Board Member, Dr. Sheila Baniqued.

May 700 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing ayuda.

Ang aktibidad ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park ngayong araw, November 13, 2024, sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III, kasama sina BM Baniqued at former BM Angel Baniqued, BM Raul Sabangan at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Councilor Martin Terrado II at anak na si G. Zerex Terrado, G. Vandave Paragas, at Ms. Jocelyn Espejo. (RSO; MSWDO)