70 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation and Counseling

Sumailaim sa isang Pre-Marriage Orientation and Counseling ang may 70 couples na nakatakdang mag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026 sa darating na February 12.

Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw, January 28, 2026, sa Municipal Social Welfare and Development Building, Brgy. Magsaysay, sa pag-oorganisa ng MSWDO katuwang ang LCRO.

Naging resource speaker sa naturang orientation and counseling ang PMOC team mula sa Local Civil Registry Office at MSWDO.

Layunin ng mga usaping ito na matulungan ang mga ikakasal na mapagtibay ang kanilang samahan bilang mag-asawa, maging responsableng magulang sa kanilang mga anak, at mapagplanuhang mabuti ang pamilyang kanilang bubuin. (RSO; JMB)