Ang mga munting learner ng Barangay Dusoc Child Development Center (CDC) ay nakinig nang may kagalakan sa mga makabuluhang kuwentong hatid ng Municipal Public Library, sa isang storytelling activity na ginanap ngayong araw, Nobyembre 24, 2023, bilang parte ng pagdiriwang ng 64th Library and Information Service Month.
Naging storyteller dito sina Gng. Iluminada J. Mabanglo ng Office of Senior Citizens Affairs at ang bibung-bibong grand winner ng Little Mr. Bayambang na si Sven Alchemist dela Cruz.
Naroon siyempre sina OIC-Municipal Librarian, Atty. Melinda Rose Fernandez at kanyang staff, Dusoc Punong Barangay Ricky P. Penuliar, at Dusoc CDC Daycare Worker Jenerose S. Soriano.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, ang mga bata ay naeenganyong magbasa upang makapulot ng mga aral, at higit sa lahat malaman ang halaga ng pagbabasa ng mga libro sa pampublikong aklatan.
Ang pagdiriwang sa taong ito ay may temang, “LETS Libraries: Learning, Empowering, and Transforming Society through Libraries.” (by Vernaliza M. Ferrer/RSO)