Noong August 4, 2023, nagtapos ang 61 farmers ng Bayambang sa “School on Air on Smart Rice Agriculture” (SOA-SRA), sa ginanap na seremonya sa Urdaneta City Sports Center, Urdaneta City.
Ayon sa SOA Coordinator ng Municipal Agriculture Office na si Mylene C. Paclibar, nasungkit din ng farmers ng Bayambang ang top 3 sa isang examination out of 29 municipalities ng Region I na kasali sa nagtraining ng tatlong buwan mula May hanggang June 2023.
Ang SOA-SRA ay isang training na napapakinggan sa radyo at napapanood sa Facebook Live para sa lahat ng mga magsasaka para magbigay ng bagong kaalaman at pamamaraan sa bagong teknolohiya. Ang live on-air training ay isinagawa sa ilalim ng ahensya ng Department of Agriculture na Agriculture Training Institute-Regional Training Center I (Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan).
Sa pamamagitan ng School on Air, naipapaabot ng ahensya ang bagong kaalaman sa pagsasaka saan mang sulok ng Rehion I. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, mapapababa ang gastos at mapapataas ang kita ng mga magsasaka.