600 Beneficiaries, Nakatanggap ng P1.2M na Ayuda, sa Ilalim ng DSWD-AICS sa Tulong ni Sen. Tolentino

May 600 na benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino.

Bagama’t hindi nakarating si Sen. Tolentino, ang kanyang anak na si Patrick Andrie Tolentino ang nagsilbing kinatawan nito.

Siya ay winelcome nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Board Member Raul Sabangan, at sina Councilor Mylvin ‘Boying’ Junio, Coun. Benjie de Vera, Coun. Philip Dumalanta, at Coun. Gerry Flores, Coun. Amory Junio, Coun. Martin Terrado II, at Liga ng mga Barangay President Rodel Bautista.

Ang ayuda ay nagkakahalaga ng P1.2M sa kabuuan, at ipinamahagi sa mga waiting list ng social pension, indigent senior citizens, non-4Ps, at mga Bayambangueño na nangangailangan ng agarang tulong ngunit di ‘pa nakatatanggap ng anumang ayuda mula sa pamahalaan.

Bukod sa ayuda, nagkaroon din ng raffle draw kung saan 20 benepisyaryo ang masuwerteng nakapag-uwi ng mga appliances.

Nagpamahagi rin si Senator Tolentino ng mga apron sa mga public market vendors.

Ginanap ang payout sa Balon Bayambang Events Center, noong ika-10 ng Oktubre 2024.

Kahapon, October 10, ay ginanap naman ang profiling activity. (KALB/RSO; JMB)