6 ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ

Sa pagsisimula ng bagong taon, naglunsad ng proyektong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang, sa pamamagitan ng pamamahagi ng livelihood package sa anim na magulang ng mga batang kabilang sa antas ng mga child laborers.

Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng livelihood package na nagkakahalaga ng P27,000 bawat isa at naglalaman ng sari-sari store items at bigas na maaaring ibenta upang makapagsimula ng kanilang maliit na negosyo.

Ang aktibidad, na isinagawa noong Enero 7, 2024, sa Pavilion I ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park, ay dinaluhan ng mga kinatawan ng DOLE at PESO, na nagbigay ng mga mensahe ng inspirasyon sa mga benepisyaryo upang maabot ang kanilang layunin na mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng DOLE at LGU-Bayambang, katuwang ang iba pang mga ahensya, sa paglaban sa child labor at pagbibigay ng mas magandang oportunidad sa mga pamilya sa komunidad. (๐˜™๐˜Ž๐˜‹๐˜š/๐˜™๐˜š๐˜–; ๐˜‘๐˜”๐˜‰)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#Niรฑaarotaka