5S, Muling Nirepaso bilang Pamantayan sa Kalinisan at Kaayusan sa LGU

Noong ika-15 ng Setyembre, 2023, pinangunahan ni GSO head Chinita de Vera at ESWMO head at MENRO Joseph Anthony Quinto ang pagtitipon ng lahat ng mga departamento sa Mayor’s Conference Room upang ipahayag ang mahigpit na pagpapatupad ng sistema ng 5S sa lahat ng mga opisina.

Layunin ng hakbang na ito na maging ehemplo ang mga kawani sa lahat ng mga residente ng Bayambang pagdating sa kalinisan, paghihiwa-hiwalay ng basura, at magandang kapaligiran, alinsunod sa RA 9003.

Ang 5S System ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng trabaho sa mga opisina ng anumang organisasyon sa pamamagitan ng maayos, malinis, at maaliwalas na tanggapan at pamamaraan ng paggawa.