521 na Benepisyaryo, Tumanggap ng Suweldo sa TUPAD

Patuloy na pinaiigting ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya upang maihatid ang mga programang magpapalakas sa kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan.

May kabuuang na 521 benepisyaryo mula sa hanay ng Persons with Disabilities (PWDs) at mga magulang ng child laborers ang tumanggap ng bayad mula sa kanilang serbisyo sa ilalim ng programa ng DOLE na TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, sa payout activity na ginanap ngayong araw, Abril 23, 2026, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. (WMC/RSO; ALC, AG)