Tumanggap ng ₱10,100 bawat isa ang 500 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Bayambang sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Pavilion I, St. Vincent Prayer Park, July 7, 2026.
Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Mary Clare Judith Phyllis “Niña” Jose-Quiambao sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang patuloy na suporta sa sektor ng transportasyon. “Asahan ninyo, ang inyong lokal na pamahalaan ay patuloy na gagawa ng mga paraan upang bigyan kayo ng suporta at pagkakataon na umunlad, dahil karapat-dapat kayo sa isang maayos at ligtas na kabuhayan,” aniya.
Pinangunahan ang payout ng Department of Labor and Employment–Central Pangasinan Field Office (DOLE-CPFO) sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO)-Bayambang at Municipal Treasury Office bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng pansamantalang kabuhayan at suportang pinansyal sa mga manggagawang nangangailangan. (LFA/RSO; JMB)















