May 50 local young couples ang umattend sa “Young Couple’s Trail” noong Oktubre 17, 2023 sa Balon Bayambang Events Center upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa responsible parenthood at iba’t ibang pamamaraan ng family planning.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng MSWDO sa pangunguna ni Ms. Kimberly Basco at Population Program Worker Alta Grace Evangelista.
Ang mga lumahok ay na-identify ng mga Barangay Service Point Officer at nirefer sa Munisipyo.
Nagsilbing resource speaker sina Provincial Population Program Officer II Ms. Marilyn D. Castro at Provincial Population Program Officer II Mr. Jewel Rey Padilla.
Sa pambukas na mensahe ni Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, nagpayo siya sa mga kabataan na, “Magplano muna para sa gano’n ay maasikaso natin ang ating mga anak, at siyempre para matuunan niyo ng pansin ang inyong pag-aaral. Tapusin ninyo ang inyong pag-aaral para sa inyo at sa inyong mga anak.”
Wika naman ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, “Family planning and responsible parenthood go hand on hand; one cannot exist without the other. Kahit na may pamilya na kayo, you must finish your education, you must equip yourself with the necessary tools and determine your future based on the options and decisions you are making today.”
Pangwakas naman ni Acting Municipal Mayor na si Vice Mayor Ian Camille C. Sabangan, “Kailangan po nating pag-isipang mabuti ang pagpapamilya because it is very challenging.”