Dinaluhan ng limampung (50) miyembro ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) ang ginanap na Philippine Good Agricultural Practices o PhilGAP Training ng Department of Agriculture Regional Field Office 1(DA-RFO1) katuwang ang Bayambang Municipal Agriculture Office. Ito ay naganap noong August 13, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Sa pagsasanay na ito, itinuro sa mga magsasaka ang mga tamang pamamaraan sa pagtatanim upang maging GAP-certified ang mga produkto. Sa paggamit ng GAP, maiiwasan ang kontaminasyon sa mga ani at mapapanatili ang magandang kalidad ng produkto.
Naroon upang magbigay ng pambungad na mensahe sa mga magsasaka ang kinatawan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, na si G. Mark Espino.
Kabilang sa tinalakay nina Arnel G. Felipe, Agriculturist II, Jason T. Macaraeg, Agriculturist I, at Joel V. Pascual, Supervising Senior Research Specialist ng PhilRice, ang iba’t-ibang factors sa pagtatanim kaugnay sa PhilGAP standards at requirements. (Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: JMB)