5 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gift; MNJQ, namigay ng tig-₱100K mula sa sariling bulsa!

Limang centenarian mula sa bayan ng Bayambang ang pinagkalooban ng cash gift sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act of 2024 ngayong araw, Oktubre 13, 2025.

Kabilang sa mga tumanggap ng insentibong ₱50,000 at cake mula sa lokal na pamahalaan ng Bayambang sina G. Eduardo G. Caerlang ng Brgy. Pangdel, Gng. Paula J. Ramos ng Brgy. Tanolong, Gng. Maria D. Soriano ng Brgy. Bical Norte, Gng. Dorotea R. Bulatao ng Brgy. Malioer, at Gng. Virginia A. Junio ng Brgy. Cadre Site.

Bukod dito, bilang pagpapakita ng personal na pagkilala at pagmamahal sa mga centenarian, nagbigay din si Mayor Niña Jose-Quiambao ng karagdagang ₱100,000 bawat isa mula sa kanyang sariling bulsa. (KB/RSO; KVA, Michael Olalia)