Dumaan sa isang orientation activity ng PESO Bayambang ang ika-4 na batch ng work immersion students mula sa Bayambang National High School noong April 2, 2024 sa BNHS campus.
Ang mga estudyanteng ito ay maglalagi sa iba’t-ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa loob ng sampung araw at susubok sa paggawa ng mga serbisyong hatid ng munisipyo.
(nina: Sharlene Joy G. Gonzales, Angelica Arquinez/RSO; PESO-Bayambang)