Sa pulong ng mga Document Control Custodian (DCC) ng LGU, muling nabigyan ng linaw ang direktiba na pagtibayin ang dokumentasyon at transparency sa LGU-Bayambang.
Ang 4th quarter meeting ay ginanap sa pangunguna ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ngayong araw, Disyembre 11, 2025, sa Mayor’s Conference Room, at dinaluhan ng mga office DCC at process owner.
Tinalakay sa pagpupulong ang kahalagahan ng maagap at tamang pagsusumite ng Document Reference Number (DRN), Document Generation and Revision Request (DGRR), at iba pang kaugnay na dokumentadong impormasyon upang mapanatili ang maayos at episyenteng daloy ng mga proseso sa LGU.
Nagbigay rin ng paunang talakayan hinggil sa Records and Archives Management bilang paghahanda sa implementasyon ng BYB-DCC-P02, na naglalayong mas mapahusay ang pangangalaga at organisasyon ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaang lokal. (RSO; ICTO)





