4Q Meeting ng LSB

Noong December 12, nagpulong ang Local School Board sa Niña’s Cafe, kung saan iprinisenta ng DepEd Bayambang I at II PSDS na sina Dr. Longino Ferrer at Dr. Candra Penoliar ang kanilang mga accomplishment sa 2023 at plano para sa 2024.

Nagpaabot din sila ng pasasalamat kay Mayor Niña at former Mayor Cezar Quiambao sa mga regalong handog at sa mga naitulong ng LGU sa pamamagitan ng Special Education Fund, at 98% anila ang nagamit sa naturang pondo.