4Q MAFC Meeting, Nag-update ukol sa Agri at Fisheries Sector

Nagsagawa ng quarterly meeting ang Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Co-Chairperson ng MAFC, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, noong Disyembre 16, 2024,  sa Mayor’s Conference Room.

Tinalakay dito ang update sa mga kasalukuyang programa sa agrikultura at pangingisda na naka-angkla sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028; mga nakahanay na proyekto at inisyatiba; mga bagong isyung nakaapekto sa lokal na agrikultura at pangingisda; at mga programa sa agrikultura sa kanya-kanyang barangay. (RSO; JMB)