4Q Joint Council Meeting ng Peace and Order Cluster, Idinaos

Sa ika-apat na ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—น๐˜† ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ng ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐˜๐˜† ๐—–๐—น๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ sa Municipal Conference Room noong  Disyembre 20, 2024, pinag-usapan ang mahahalagang isyu at mga nagawa sa larangan ng anti-criminality, anti-illegal drugs, anti-insurgency, at mga programa para sa disaster risk reduction and management.

Pinangunahan ang pulong ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, kasama ang mga miyembro ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drugs Abuse Council (MADAC), Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC), at Peopleโ€™s Law Enforcement Board (PLEB), kabilang ang iba pang mga lokal na opisyal at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Nagbigay din ng ulat ang mga kaukulang ahensya sa kani-kanilang mga proyekto at hinimay ang mga hakbang para sa mga susunod na buwan.

Tampok sa talakayan ang Barangay Road Clearing Operations (BARCO) para sa ika-apat na quarter ng 2024 at ang Local Peace and Order and Public Safety Plan (POPS Plan) kasama ang Local Anti-Drug Plan of Action (LADPA), dalawang instrumento na may layuning mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga komunidad.

Kabilang sa mga dumalo sina Dr. Rafael L. Saygo, bilang kinatawan ni Mayor Niรฑa, MLGOO Editha Soriano, PNP-Bayambang OIC-Chief, PLtCol Lawrence Keith D. Calub, BFP-Bayambang Chief, SInsp Divine Cardona, BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, LDRRMO Gene N. Uy, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang departamento at non-government organizations. (๐˜™๐˜Ž๐˜‹๐˜š/๐˜™๐˜š๐˜–; AG)