4Q 2023 Meeting ng Municipal Nutrition Committee

Sa 4th quarter meeting ng Municipal Nutrition Committee na inorganisa ng Municipal Nutrition Action Office noong December 15, 2023, sa Mayor’s Conference Room, nagpresenta ang bawat miyembro ng Committee ng kani-kanilang accomplishment report na may kaugnayan sa nutrisyon at naisakatuparan noong nakaraang Oktubre, Nobyembre, at sa kasalukuyang buwan ng Disyembre 2023.

Sa pagpupulong ay nagsilbing kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at dumalo rin si SK Federation President Marianne Cheska Dulay at iba’t ibang national agency at LGU department heads.

Kabilang sa mga tinalakay ang Gulayan sa Paaralan monitoring ng ESWMO, breastfeeding groups, vaccination/immunization, deworming, vitamin supplementation ng RHU, at iba pa.

(by Vernaliza M. Ferrer/ RSO; photo: JMB)