Sa isinagawang pulong ng Municipal Advisory Council (MAC) noong Abril 29, 2025, sa Mayor’s Conference Room, tinalakay ang mahahalagang usapin kaugnay sa implementasyon ng mga programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Sustainable Livelihood Program (SLP).
Naging sentro ng usapin ang ginawang Sustainability Plan noong nakaraang taon para sa 868 benepisyaryong grumaduate o nag-exit mula sa 4Ps noong 2024.
Batay sa ulat ng DSWD, 100% ng mga exited/grumaduate na benepisyaryo ay nakatanggap ng P2,000.00 cash, groceries, at 5 kilo ng bigas. 75 sa 868 benepisyaryo ay nabigyan ng AICS assistance na may halagang P2,000.00 at food package. 48 estudyante mula sa mga exited/grumaduate na pamilya ay nabigyan ng educational (financial) assistance. 2 benepisyaryo naman ang nabigyan ng Senate Guarantee Letter para sa medical assistance na nagkakahalaga ng P10,000.00.
Bukod dito, inilahad din ang panukalang Sustainability Plan 2025 para sa tinatayang 2,803 na graduating/exiting 4Ps household beneficiaries sa darating na Setyembre 2025.
Kabilang sa mga naging agenda ng pagpupulong ay ang pagsusuri ng mga napagkasunduan sa nakaraang MAC meeting, pagbibigay ng status update sa implementasyon ng 4Ps at SLP sa antas ng munisipyo, pag-uulat mula sa iba’t ibang departamento ng LGU hinggil sa mga kaugnay na programa at serbisyo, at ang pagtalakay sa mga iba pang isyung nakaaapekto sa mga benepisyaryo.
Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng mas pinaigting na pagtutok ng lokal na pamahalaan sa pagtiyak na hindi mapapabayaan ang mga benepisyaryong unti-unti nang inihahanda para sa kanilang pagbangon at pagiging self-reliant kahit matapos na ang kanilang pagiging bahagi ng 4Ps program. (KB/RSO; JMB)