Isang orientation activity ang isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office para sa mga partner stakeholders ng programang 4Ps upang magbigay ng mas malalim na pag-unawa ukol sa tatlong pangunahing sistema ng naturang programa para mas epektibong paghatid ng serbisyo sa mga benepisyaryo.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Child Development Workers at DSWD Municipal Links noong ika-19 ng Nobyembre 2024 sa Balon Bayambang Events Center.
Naging resource speakers ang mga eksperto mula sa 4Ps Cluster Team ng probinsya na sina Cluster Beneficiary Data Officer, Kim Dindi Marie M. Sion; Cluster Compliance Verification Officer, Dane C. Maramba; at Cluster Compliance Grievance Officer, Carissa J. Diesma.
Kanilang tinalakay ang tatlong pangunahing sistema ng programa na Beneficiary Data Management System (BDMS), Compliance Verification System (CVS), at Grievance Redress System (GRS).
Sa isang open forum, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataon na magtanong at magbigay ng kanilang mga opinyon ukol sa mga usaping kaugnay ng 4Ps. (Khim Ambrie L Ballesteros/RSO; AG)