Libu-libong pamilya sa lahat ng 77 barangays ng bayan ng Bayambang ang nakatanggap ng personal na pamaskong handog mula sa pamilya nina SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Nina Jose-Quiambao.
Ayon sa datos, umabot sa 48,823 na pamilya ang nabiyayaan ng nasabing Christmas gifts bilang bahagi ng taunang tradisyon ng pamilya na maghatid ng saya, pag-asa, at diwa ng pagmamahalan tuwing Kapaskuhan.
Isinagawa ang serye ng pamamahagi sa iba’t ibang covered court at pasilidad ng mga barangay, kung saan personal na nakasama ng alkalde ang mga residente, lalo na ang mga bata, senior citizen, at pamilyang nangangailangan.
Malugod na tinanggap ng mga benepisyaryo ang handog na regalo na sumisimbolo ng malasakit at pagkakaisa ng pamahalaang bayan at ng komunidad.
Nagpasalamat ang unang pamilya sa lahat ng kawani, volunteers, at katuwang na sektor na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad.
Binigyang-diin din ng alkalde na ang Pamaskong Handog ay hindi lamang pamimigay ng regalo, kundi isang paalala na sa Bayambang, buhay ang diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa — lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. (RSO; MLO)

