4,104 Coconut Seedlings, Ipinamahagi ng PCA sa Managos Co-op

Ngayong araw, Mayo 12, 2026, namahagi ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng coconut seedlings na umabot sa 4,104 piraso sa mga miyembro ng Managos Farmers Agriculture Cooperative (MFAC).

Tinuruan din ng PCA ang mga miyembro ng tamang pagtatanim at kung gaano ang distansya ng bawat niyog para ang mga ito ay lumaki at mamunga ng sagana pati wastong pag-aalaga sa mga ito.

Pinangunahan ang distribusyon nina Ms. Lhea Cabrera ng PCA, Jacinto ‘Ralph’ Perez sa ngalan ni MCDO OIC Mark Espino, at ang Presidente ng MFAC na si Engr. Juan Paulo Ellorin. (JP/RSO; MCDO)