Noong May 3, 2024, nagtungo ang LGU-Bayambang kasama ang BPSO at PNP-Bayambang sa Brgy. Bacnono upang ipasara ang apat na poultry farm na inireklamo ng isang concerned citizen sapagkat ang mga ito ay lumabag alinsunod sa Municipal Tax Ordinance No. 2, s. 2017.
Ang ganitong paglabag ay hindi pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan kaya’t agad itong inaksyunan.
Hinihikayat ang lahat ng negosyante na bago magbukas ng anumang negosyo ay kumuha muna ng business permit sa Munisipyo upang walang maging aberya. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)