4 Bayambang Farmers’ Associations, Nakatanggap ng Composting Facility for Biodegradable Waste

May apat na farmer’s association ng Bayambang ang nakatanggap ng tig-iisang unit ng composting facility for biodegradable waste (CFBW) mula sa Department of Agriculture-Bureau of Soils and Water Management noong Nobyembre 14, 2024.

Ang mga ito ay ang Balon Sapang Farmers Association, Gabay sa Bagong Pag-asa Pangasinan Cluster Association, Pangdel Farmers Association, at Manambong Norte Farmers Association.

Kada isang CFBW unit ay nagkakahalaga ng P1,000,000 at kayang makalikha ng isang tolenadang organikong pampataba sa loob ng isang buwan, kaya’t ito ay makakatulong sa pagpapalaganap ng organikong agrikultura.

Ang naturang CFBW unit ay may isang biomass shredder at isang rotary composter. (Alfonso de Vera/RSO; MAO)