Matagumpay na naisagawa ang mas pinalevel-up na pakikiisa ng LGU-Bayambang sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa ikatlong quarter ng taon, noong Setyembre 26, 2024, sa direktiba ng ating butihing ina ng bayan, ang Chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC), Mayor Niña Jose-Quiambao.
– Bago ang NSED ay mayroong detalyadong guidelines na inisyu sa publiko ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ukol sa pagconduct ng drill.
– Nagkaroon din ng briefing ang lahat ng safety officers at responders sa MDRRMO Operating Center.
– Sa eksaktong alas-9:00 ng umaga, nagsimula ang pag-alerto sa pamamagitan ng pagtunog ng mga sirena sa buong bayan.
– Sa gabay ng mga responders mula sa iba’t ibang departamento at ahensya ng miyembro ng MDRRMC(MDRRMO, PNP, BFP, BPSO, atbp.), sabay-sabay na agarang nag-duck, cover, and hold ang lahat ng mga taga-LGU departments at partner agencies, barangay, paaralan, kabilang ang Bayambang Polytechnic College, at mga pribadong opisina sa Royal Mall.
– Matapos nito ay nagsimula ang pag-evacuate ng mga tao, na mabilis na naglakad sa mga nakatalagang evacuation routes at nagtungo sa mga ligtas na lugar.
– Lahat ng departamento at participating agencies ay nagsumite ng ‘before,’ ‘during,’ at ‘after’ pictures sa MDRRMO sa loob ng sampung minuto.
– Ang lahat ng engineer ng Engineering Office ay naatasang magconduct ng assessment sa loob ng limang minuto, at kanilang matagumpay na na-assess ang lahat ng kanilang designated structures.
– Ang lahat naman ng Safety Officers ay nagsumite rin ng komprehensibong mga evaluation form, at umattend ng debriefing session sa MDRRMO Operating Center upang talakayin ang mga naging strengths at weaknesses ng naging drill.
– Kasabay ng drill na ito ay ang drill sa data service suspension at ang pagtangkang maibalik agad sa normal ang Internet access sa loob ng sampung minuto, ayon sa disenyong itinakda ng ICT Office.
Ang NSED ay isang mahalagang hakbang sa paghahanda ng mga mamamayan sa Bayambang sa posibleng lindol, at isang nakikitang susi sa kaligtasan ng bawat isa sa oras na maganap ang ‘di inaasahang pagyanig. (VMF/RSO; JMB)