Sa unang Linggo ng Setyembre, muling nakilahok ang lahat ng public at private elementary school at high school, lahat ng opisyales ng 77 na barangay, lahat ng daycare centers, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa 3rd Quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED 2023.
Ito siyempre ay inorganisa ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Bayambang Public Safety Office (BPSO), at Engineering Office.
Ang pakikilahok sa naturang earthquake drill ay upang makaiwas ang publiko sa pagpapanic, gayundin ay upang masanay at maging handa ang bawat isa sa pagdating ng anumang hindi inaasahang sakuna gaya ng pagyanig.