Sa 3rd quarter meeting ng Municipal Ecological Solid Waste Management Board (MESWMB), naging pangunahing paksa ang 10-Year Solid Waste Management (SWM) Plan Accomplishment Report.
Ang naturang report — na sakop ang mga taong 2020 hanggang 2029 — ang siyang naglalaman ng mga naging hakbang at resulta ng pagpapatupad ng nasabing plano sa mga nakaraang taon.
Bahagi rin ng talakayan ang pagtukoy sa mga hamon at pangangailangan upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng plano sa mga susunod na taon.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan nina MENRO Ma-Lene S. Torio at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kasama si Councilor Rhyan de Vera, at ginanap sa Mayor’s Conference Room ngayong araw, Setyembre 10, 2025.
Layunin nitong higit pang mapalakas ang mga estratehiya para sa tamang pamamahala ng basura, mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, at matiyak ang pagsunod ng bayan sa mga umiiral na pambansang batas at alituntunin hinggil sa waste management. (Wrensly M. Calimlim/RSO; JMB)






