398 Senior Citizens, Tumanggap ng Octogenarian, Nonagenarian, at Centenarian Cash Gift mula NCSC Region 1

Ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 1 ay nagpamahagi ng cash gift para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Bayambang, alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act.

Nakipagtulungan ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng MSWDO, OSCA, BPSO, at RHU upang matiyak ang maayos, ligtas, at episyenteng pamamahagi ng benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P10,000 cash, maliban sa isang centenarian na nakatanggap naman ng P100,000.

Ginanap ang payout sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ngayong araw, Hulyo 16, 2026. (RSO; JMB)