Nitong buwan ng Enero, mayroong 38 na mga indigent patient na Bayambangueño ang natulungan ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng Mayor’s Action Center (MAC), kabilang ang apat na menor de edad at anim na senior citizen upang makapunta sila ng libre sa ospital para sa kanilang mga follow-up check-up.
Partikular sa mga serbisyong kanilang tinaggap ng libre ay ang laboratory test, heart check-up, at warfarin medication sa Philippine Heart Center, follow-up check-up sa opthalmologist at oncologist sa Region I Medical Center, Dagupan City, at Kapampangan Development Foundation, Inc., Pampanga, at psychiatric check-up sa Baguio General Hospital, Baguio City.
Sa ngayon, patuloy na inaasistehan ng MAC ang mga pasyente sa kanilang mga follow-up check-up, at inaasikaso din nila ang pag avail ng mga ito ng libreng gamot sa mga nabanggit na ospital.
Muli namang pinapaalalahanan ang mga indigent constituents na nangangailangan ng tulong na huwag mag-atubiling lumapit sa tanggapan ng MAC dahil prayoridad nito ang kapakanan ng mga Bayambangueño.
Malaki ang pasasalamat ng kapamilya ng mga pasyente sa LGU at Mayor’s Action Center team sa patuloy na pag-assiste ng MAC staff sa mga follow-up check-up ng mga naturang benepisyaryo. (JEN/RSO; MAC)





