Sa exit conference ng external assessment ng mga Child Development Center sa Bayambang, 33 CDCs ang iniulat ng ECCD Council na pasado at isang CDC ang may deferment of confirmation of recognition at binigyan ng palugit na anim na buwan upang mag-comply sa requirements.
Tatlong CDC naman ang naka-level 3 sa assessment, na nangangahulugang valid ang kanilang recognition hanggang limang taon.
Ang mga assessor ay mga accredited ECCD evaluator mula sa Provincial Social Welfare and Developmen Office-Pangasinan, sa pangunguna ni Provincial ECCD Focal Person Carla T. Cacatian.
Ginanap ang naturang exit conference ngayong araw, Setyembre 16, 2025, sa MSWDO Bldg. (RSO; AG)








