May 30 na corn farmers, asawa ng magsasaka, at 4Ps members mula sa Brgy. Ligue at Sanlibo ang nakilahok sa Barangay-based Skills Training on Corn Byproducts Utilization: Processing Corn Husk into Novelty Items na inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa Barangay Sanlibo Covered Court, noong Agosto 13-16, 2024.
Nagsilbing trainor sina Jovita Macaraeg at Mary Jane Catchillar mula Heart and Soil Farm School Inc. Sila ay nagturo kung paano gumawa ng mga bag at iba pang novelty items gamit ang byproduct ng corn farming, ang corn husk na karaniwan ay itinatapon o sinusunog lang. (RSO; MAO)