30 CDCs, Sumailalim sa External Evaluation

May 30 Child Development Centers (CDCs) sa Bayambang ang sumailalim sa isang external evaluation ng mga assessors mula sa Provincial SWDO External Assessors para sa accreditation ng mga naturang CDC at Child Development Workers ng mga ito.

Ang external accreditation ng lahat ng CDCs ay isa sa mga requirements para makapasa ang LGU sa Seal of Child-Friendly Local Governance o SCFLG audit ng DILG at upang masiguro na standardized service ang naibibigay sa ating mga pre-kindergarten learners.

Matapos ang courtesy call ng mga bisita kay Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sila ay nag-umpisang mag-assess noong December 4 at nagtapos ngayong araw, December 6, 2024.

Ang mga external evaluators ay inasistehan ng MSWDO. (RSO; photos: MSWDO)