3-Day Pre-Construction Conference, Isinagawa para sa Itatayong Onion Cold Storage sa Amancosiling Sur

‎Kahapon, Hulyo 9, 2025, inumpisahan ang isang tatlong araw na pre-construction conference sa Mayor’s Conference Room para sa nakatakdang pagtatayo ng Bayambang Onion Cold Storage facility na matatagpuan sa Barangay Amancosiling Sur.

Ang nasabing malaking proyektong pang-imprastruktura ay parte ng Philippine Rural Development Project Scale-up na iniaward kamakailan ng Department of Agriculture at World Bank sa bayan ng Bayambang.

‎Layon ng pagpupulong na ito na tiyakin na ang contractor at ang lahat ng mga stakeholder ay may malinaw na pag-unawa sa saklaw ng proyekto, iskedyul ng implementasyon, tungkulin ng bawat isa, at iba pang teknikal at administratibong aspeto ng proyekto.

Ang naturang kumperensya ay mahalagang bahagi ng paghahanda upang masigurong mabilis at maayos ang takbo ng proyekto mula umpisa hanggang ito ay matapos.

‎Magtatapos ang pre-construction conference sa Hulyo 11, 2025. (RGDS/RSO; AG)