Isang training ukol sa Nutrition in Emergencies (NiEM) ang isinagawa ng MNAO para sa mga miyembro ng Municipal Nutrition Council (MNC) at Bayambang Nutrition Scholars (BNS) mula October 2 hanggang 4, 2024 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Ariel & Fe Garden Resort and Restaurant.
Layunin nito na mapaigting ang kaalaman ng bawat miyembro sa tamang paraan ng pag-implementa ng nutrition program sa panahon ng anumang emergency at para na rin mabalangkas ang 3-Year NiEM Plan.
Nagsilbing resource speakers sina John Philip P. Gabriel, RND, MNAO Bacnotan, La Union; Shamrock T. Bas-Ilan, Nutrition Officer II, NNC Region I; Christy F. Bautista, Nutrition Officer II, Provincial Nutrition Focal Point (PNFP) Pangasinan; at Kendall Pilgrim A. Gatan, OIC-Regional Nutrition Program Coordinator, NNC Region I.
Kabilang sa kanilang tinalakay ang Overview ng Nutrition in Emergencies and Information Management, Basic Concepts of Nutrition and Malnutrition, Provision of Vitamins and Minerals, Dietary Supplementation, at Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM).
Sa naturang training, nabanggit ni Gatan na ang lahat ng isyu ukol sa kawalan ng tamang nutrisyon ay masosolusyunan ng social behavior change, na siyang nagpapakita kung anu-ano nga ba ang mga pamamaraan ng pagbibigay ng bawat magulang ng tama at masusustansyang pagkain para sa kanilang mga anak. (SJGG/RSO; EPS/JMB)