Sinimulan ngayong araw ng pamahalaang lokal ang tatlong araw na technical budget hearing upang masiguro ang maayos na paglalaan ng pondo para sa mga programang pangkaunlaran at serbisyong panlipunan sa bayan ng Bayambang.
Ito ay ginanap mula Agosto 6 hanggang 8, 2025 sa Mayor’s Conference Room, sa pangunguna ng Municipal Budget Office (MBO) sa pamumuno ni Budget Officer Christine Bautista.
Ang hearing ay dinaluhan ng mga department head at kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, kung saan inilahad ng bawat opisina ang kanilang panukalang badyet, kasama ang mga prayoridad na proyekto at inisyatibong nakapaloob sa Annual Investment Program (AIP) ng munisipyo.
Ang technical hearing ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang bawat piso ay magagamit nang episyente at ayon sa layunin ng administrasyon, ang magbigay ng serbisyong tapat at mahusay para sa mas matatag na bayan ng Bayambang. (VMF/ RSO; JMB)






