Isang tatlong araw na pagsasanay, seminar at workshop sa pagbuo ng Schedule of Market Values ang dinaluhan ng Assessor’s Office noong Mayo 21–23, 2025 sa Lingayen, Pangasinan.
Naging tagapagsalita si Brenda B. Sumalabe, City Assessor ng Tayabas, Quezon.
Kabilang sa mga naging paksa ang mga sumusunod
1. Pangkalahatang Pagsusuri ng Proseso ng Mass Appraisal
2. Paghahanda ng Schedule of Market Values (SFMV)
3. Pagtatakda ng SMV para sa mga Urban Lands
4. Paghahanda ng SFMV para sa mga Lupang Agrikultural
5. Paghahanda ng SFMV para sa mga Gusali at Iba Pang Istruktura, kabilang ang Depresasyon
6. Pagsusuri sa Halaga (Valuation Testing)
7. Paghahanda ng mga Value Maps
8. Kalikasan at Kahalagahan ng Pag-aaral sa Pagsunod sa Buwis sa Ari-arian (Real Property Tax Compliance Study)
9. Pag-aaral sa Epekto ng Buwis (Tax Impact Study)
Ang pagsasanay na ito ay isinagawa bilang paghahanda para sa General Revision of Assessment Values as Mandated by Real Property Valuation and Assessment Reform Act (R.A. 1200-RPVARA).
Dumalo dito sina sina OIC Municipal Assessor at Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante Jr., Lorna M. Rebamontan, Kathleen Fatima G. Gamboa, at Engr. Vesel Pagsolingan. (MAO/RSO; MAO)