2Q NSED 2025, Matagumpay

Noong June 19, 2025, isinagawa ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Bayambang para sa ikalawang quarter upang muling sanayin ang komunidad sa kahandaan sa sakuna gaya ng di inaasahang pagyanig.

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang MDRRMC Chairperon, ang drill ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kasama ang iba pang miyembro ng MDRRMC, kabilang ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bayambang Public Safety Office, at Engineering Office.

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng NSED dahil sa aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor, kasama ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at high school, ang mga opisyales ng 77 barangays, lahat ng daycare centers, at ang mga empleyado ng LGU-Bayambang.

Ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan ay nagpapakita ng kanilang kasanayan sa pagiging alerto sa mga emergency situation, dahil ang pagsasagawa ng regular na earthquake drill ay isang mahalagang hakbang upang mapababa ang posibilidad ng nakaambang panganib kabilang na ang physical injury at bilang ng mga casualty. (VMF/RSO; JMB/RJ Mercado/MDRRMO)