2Q Meeting | GAD Technical Working Group, Sinigurong Walang Napag-iiwanang Sektor sa Paggamit ng Pondo para sa Iba’t Ibang Programa

Upang talakayin ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng pagpapatupad ng mga programa at aktibidad kaugnay ng Gender and Development (GAD), nagsagawa ang GAD Technical Working Group (TWG) ng kanilang ikalawang quarterly meeting ngayong araw, Hunyo 29, 2026, sa MSWDO Multi-Purpose Building Conference Room sa Brgy. Magsaysay, Bayambang, Pangasinan.

Kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong ang 2nd quarter utilization, 2nd quarter accomplishment report, at iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa patuloy na pagpapatibay ng mga inisyatiba sa Gender and Development sa bayan.

Sa pamamagitan ng regular na pagpupulong ng GAD Technical Working Group, patuloy na pinagtitibay ng pamahalaang bayan ng Bayambang ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan upang maisulong ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat sektor ng komunidad. (John Loyd Tamondong/RSO; JMB)